OLONGAPO CITY – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 27-anyos na mister makaraang arestuhin sa kasong pagnanakaw ng mga alahas na nagkakahalaga ng P1.5 milyon sa Olongapo City noong Biyernes ng gabi.
Iprinisinta kahapon sa mga mamamahayag ni P/Senior Supt. Abelardo Villacorta, city police director, ang suspek na si Marvin Awa, 27, ng #35 Balic Balic Sta. Rita.
Ayon kay P/Chief Inspector Julius Domingo, hepe ng PCP 1, nilooban ng suspek ang bahay na pag-aari ni Marilyn Escriba sa #67 Elicaño St., East Bajac Bajac, kung saan tinangay ang mga assorted jewelry na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.
Sa follow-up operation, natu koy ang suspek dahil sa fingerprint nito na nakuha sa crime scene.
Nabawi sa suspek ang iba’t ibang uri ng alahas at ilang resibo ng pawnshop kung saan isinanla ang ilang ninakaw na alahas. (Alex Galang)