^

Probinsiya

Killer dive: Koreano tigok

-

CEBU — Isang Ko­reano na nag-aaral ng English sa Cebu City, ang napaulat na nasawi makaraang mabag­sakan ng isa pang Ko­reano na sumablay sa pag­lundag mula sa tuk­tok ng First Kawasan falls sa bamboo raft na sinasakyan ng dala­wang iba pang Koreano noong Biyernes Santo ng hapon.

Binawian ng buhay sa Saint Peter Hospital sa Alegria ang biktimang si Lim Sang Guen, 24, matapos mabag­sakan ni Ryu Ho-Jun, 25 na ngayon ay naka-confine sa isa ring pribadong ospital sa Cebu City.

Ginagamot naman sa pribadong ospital ang mga kaklase ni Lim na sina Leon Chang Sun, 22; at Chun Seong Ah, 24, dahil sa nagkabali-ba­ling buto sa katawan.

Si Ryu ay nag-aaral ng English sa Cebu City gayundin ang tatlong biktima subalit hindi magkakilala at nagka­taon lamang na nagka­sabay sa paliligo sa na­sabing popular na ba­kasyonan sa Ba­rangay Matotinao sa bayan ng Badian, Cebu.

Ayon kay PO3 Jere­mias Elardo ng himpilan ng pulisya sa Badian, si Ryu ay may mga kasa­mahan pang Ko­reanong kaklase na nagtatam­pisaw sa tubig ng mga oras ding iyun habang ang grupo naman ng tatlong Koreano ay nakasakay sa isang bam­boo raft patungo sana sa mis­mong falls.

Subalit hindi inakala ng tatlo na maliban sa tubig na babagsak sa kanila ay kasama si Ryu.

Ayon kay Police Regional Office-7 director, Chief Supt. Ronald Ro­deros nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and physical injuries si Ryu.

Nabatid na ang mga Koreano ay nangungu­nang turista ng Cebu taun-taon kaya naman ang pulisya ay nag­ta­laga na ng mga tourist cops sa re­hiyon at pi­nag-aaral ang mga ito ng Ko­rean language. (Edwin Ian Melecio)

AYON

CEBU

KOREANO

PLACE

RYU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with