Mag-uutol nalunod

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Na­­uwi sa trahedya ang mayasang picnic ng magkakamag-anak ma­karaang malunod ha­bang naliligo ang mag-uutol na bata sa isang beach resort sa Baran­gay Buhang, Bulusan, Sorsogon kama­kalawa ng umaga.

Kabi­lang sa mga biktimang namatay ay sina Judilyn Fontelar, 13; Clarise Fon­telar, 9; at si Mark Fontelar, 7, pawang mga residente ng Ba­rangay Pangha­luban, Barcelona, Sor­so­gon.

Sa ulat ng naka­rating sa Kampo Si­meon Ola, naitala ang insidente ganap na alas-8 ng uma­ga habang ang tat­long magkakapatid ay magkakasamang lumu­song sa tubig dagat.

At hindi napansin ng mga magulang at ilang ka­mag-anak. Laking gulat na lamang nang ma­mataang lumutang ang tatlo sa baybaying dagat kaya ay kaagad na sinaklolohan subalit hindi na naisalba pa ang buhay. (Ed Casulla)

Show comments