Pamilya, 4 utas sa car crash

BATANGAS ­— Apat na miyembro ng isang pa­milya kabilang na ang 8-buwang gulang na ba­ta ang kumpirma­dong na­matay maka­raang ma­aksidente ang sina­sak­yan nilang kotse sa ka­habaan ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) tollway sa Lipa City, Ba­tangas noong ga­bi ng Sabado de Gloria.

Kinilala ni Ferdi­nand Simbre, manager ng Traffic Safety and Security Department ng STAR Tollway, Inc. ang mga nasawing biktima na sina Jovel, 21; Nelly, 65; Ediza, 38 at ang anak nitong si Sam Do­minic, na may mga apel­yidong Mag­pantay at pawang mga residente ng Barangay 2-A, Ma­taas na Kahoy, Ba­tangas.

Sugatan naman si Sa­muel Magpantay, 40; at ang kasambahay na si Mary Grace Re­an­­sa­res, 20, na kapwa nasa N.L Villa Hospital at Mary Mediatrix Hospital.

Ayon sa ulat, lumi­litaw na nagbakasyon ang pamilya Magpan­tay sa Tagaytay City noong Semana Santa at pa­pauwi na ng ma­aksi­den­te sa southbound lane ng KM 80 sa STAR tollway sa pagitan ng Ba­rangay Tibig at Ba­rangay Tam­bo bandang alas-6:15 ng gabi.

Sa salaysay ng dray­­ber ng Toyota Corolla (XJC-308) na si Samuel Magpantay, binabagtas nila ang highway ng Star tollway nang biglang ku­mabig ang manibela ng kotse papuntang center island hanggang sa mawalan ito ng control saka bumaliktad at magpaikut-ikot ng ilang beses.

Napag-alamang na­matay kaagad si Jovel sanhi ng mga sugat sa kanyang ulo at kata­wan, samantalang na­sawi naman habang gina­gamot sa ospital sina Nelly, Ediza at ang sang­­­gol na si Sam Dominic.

Show comments