BATANGAS — Rehas na bakal ang binagsakan ng mag-asawang tulak makaraang maaktuhang nagbebenta ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isang police poseur buyer sa Lipa City, Batangas kamakalawa.
Kinilala ni P/Supt. Rodney Ramirez, hepe ng Lipa City PNP, ang mag-asawang suspek na sina Jeffrey Olan, 38 at Leila Olan, 34, kapwa residente ng Barangay Inosluban sa Lipa City.
Ayon sa ulat, nabuko ang modus operandi ng mag-asawa matapos na ipagbigay-alam ng ilang kapitbahay nila sa pulisya.
Nasamsam sa mag-asawa ang walong piraso ng tea bag na damo at isang kilong marijuana na nagkakahalaga ng P4,000. (Arnell Ozaeta)