^

Probinsiya

4 mag-uutol nagpatayan

-

CEBU – Pinagtulungang gulpihin hanggang sa mapatay ang isang 33-anyos na lalaki ng kanyang mga utol na lalaki makaraang magtalo sa panonood ng telebisyon kaugnay sa Pacquiao-Marquez championship bout sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City noong Linggo ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Adelino Pino, habang nakapiit naman sa himpilan ng puliisya ang mga suspek na sina Christopher, 31; Roberto, 28; at Restituto Pino, 21.

Ayon sa ulat, ang magkakapatid ay magkasamang nag-iinuman ng alak habang pinanonood ang laban nina Pacquiao at Marquez nang magwala si Christopher at nagbantang papatayin ang mga kapatid.

Gayon pa man, bilang nakatatandang utol, ti­nang­kang sawayin ng biktima si Christopher subalit lalong nagwala at nagsisigaw.

Kaya napilitang kumuha ng kapirasong kahoy at hinampas ni Adelino ang kanyang kapatid.

Nang mamataan nina Roberto at Restituto ang ginawa ng biktima kay Christopher na duguan ang ulo ay kaagad nilang dinaluyong si Adelino at pinag­tulungang gulpihin.

Ayon pa sa pulisya, hindi pa nakontento sa ginawang panggugulpi ay binagsakan pa ng abode sa ulo ang biktima.

Napag-alamang sugatan din sina Roberto at Restituto dahil lumaban din ang biktima subalit napatay naman. (Edwin Ian Melecio at Joy Cantos)

vuukle comment

ADELINO

ADELINO PINO

AYON

BARANGAY BASAK

EDWIN IAN MELECIO

ROBERTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with