STO. TOMAS, Batangas – Nasa kritikal na kondisyon ang isang negosyanteng lalaki at natangayan pa ng P.5 milyon makaraang holdapin ng apat na armadong kalalakihan sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas kamakalawa ng umaga
Kinilala ni P/Supt. Raul Tacaca, hepe ng Sto Tomas PNP, ang biktimang si Noel Guevarra, may-ari ng door-to-door money delivery service at residente ng San Felix, Sto Tomas, Batangas.
Ayon sa ulat, nag-withdraw ng P.515 milyon si Guevarra sa Metrobank-Tanauan Branch nang harangin ng apat na kalalakihan sakay ng 2- motorsiklo habang binabagtas nito ang barangay road sa Barangay San Roque lulan ng kanyang Toyota Corolla (TES-354) bandang alas-11 ng umaga.
Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan ang biktima matapos barilin ng mga suspek at tangayin ang dala nitong P515,000
Mabilis na itinakbo sa St. Cabrini Hospital ang biktima habang patuloy pa rin ang pagtugis sa mga holdaper. (Arnell Ozaeta)