Trike sumabog: 4 bata, 1 pa lasog

NUEVA ECIJA – Apat na sibilyan kabilang na ang apat na bata ang iniulat na nasawi makaraang suma­bog ang traysikel na kani­lang sinasakyan sa Ba­rangay Sta. Clara, Quezon, Nueva Ecija noong Sabado ng umaga.

Sa ulat ni P/Senior Insp. Eduardo Pajarillo kay P/Senior Supt. Napoleon C. Taas, halos malasog ang mga biktimang sina Philip Penliar, 20, traysikel dray­ber; Judy Ann Victorio, 11; May Hardiniano, 9; Jovy May Dotimas, 5; at si John Luis Victorio, 5, pawang residente ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na mag­kakasamang naligo sa Sitio Tabing ilog ang apat na bata at napulot ang isang kulay dilaw na bilog na bakal na pinaniniwalaang grenade launcher.

Napag-alamang magka­ka­sabay na umuwi ang mga bata at nasalubong nila ang traysikel ni Penliar at kanila itong pinara.

Nang makasakay sa traysikel ay ibinigay ng mga bata ang napulot na mabi­gat na kulay dilaw na bakal at doon mismo sumabog sa loob ng sasakyan na iki­namatay ng mga biktima.

Kinukumpirma pa ng pu­lisya kung ang sumabog na kulay dilaw na bagay ay isang 40mm M203 round grenade launcher.

Inaalam pa din ng pu­lisya kung paano napunta sa ilog ang nasabing grenade launcher na napulot ng mga bata. (Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments