DAVAO DEL SUR – Apat-katao ang iniulat na nasawi habang 19 iba pa ang nasugatan makaraang sumabog ang granada na nahulog mula sa isang lalaking nagsasayaw sa disco party sa Barangay New Sulop sa bayan ng Sulop, Davao del Sur kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga namatay ay sina Renato Pelonio, 30, miyembro ng Civilian Volunteer Organization at residente ng Barangay Roxas; Servillano Brigoli, 56, ng New Cebu, Davao del Sur at si Junreal Brigoli, 20, ng Brgy. Roxas. Ayon sa ulat, nasa bulsa at hawak-hawak ni Pelonio, ang granada habang nakikipagsayawan ito nang maisipan dukutin subalit aksidenteng nabunot nito ang safety pin at sumabog. Sa imbestigasyon ng Sulop PNP, posibleng sumabog ang granada sa bulsa ng biktima dahil wala silang nakitang butas sa lupa na pinangyarihan ng insidente. ( Boyet Jubelag)