Ginang tinodas ng selosong mister

Pinaniniwalaang matinding selos ang nagtulak sa isang parak na bumaril at nakapatay sa kaniyang misis matapos ang mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 1, Barangay Libas, Roxas City, Capiz, ayon sa ulat kaha­pon.

Dead-on-arrival sa Capiz Emmanuel Hospital ang biktimang si Divina Dichosa, 33.

Kinilala ang suspek na si PO1 Joemar Dichosa, nakatalaga sa 604th Police Mobile Group ng Capiz Provincial Police Office.

Batay sa report ng Police Regional Office-6, naganap ang krimen sa tahanan ng mag-asawa dakong alas-8:40 ng gabi kamakalawa.

Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang ginang at ang selosong mister nito.

Sa gitna ng mainitang diskusyon ay napundi ang pulis, binunot ang kaniyang baril at ipinutok sa kaniyang misis na nasapul sa kaliwang balikat at naglagos sa katawan nito. (Joy Cantos)

Show comments