Apat-katao na ang naitalang namatay ha bang umaabot naman sa 217 iba pa ang naospital makaraang manalasa ang typhoid fever sa Iloilo City, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Office of Civil Defense, ang apat na namatay ay mula sa city proper na nakapagtala rin ng pinakamataas na bilang ng mga biktima ng tipus kung saan naitala sa 120-katao ang positibo sa bacterium Salmonella typhi.
Sa Jaro District, umaabot sa 29-katao ang natipus habang 22 naman sa Molo, maging sa Arevalo Distric ay nakapagtala ng 11 biktima, 17 sa La Paz at 18 naman sa Mandurriao; pawang sakop ng Iloilo City.
Kabilang sa mga biktima ay si Ba rangay Chairman Jonas Bellosillo, pangulo ng Association of Barangay Captains sa bayan ng Jaro, Iloilo City at nakalabas na sa ospital.
Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Mayor Jerry Treñas, ang pagmomonitor sa mga ‘waterfront barangas’ sanhi ng pagtaas ng kaso ng typhoid fever simula pa noong Pebrero 3 hanggang Linggo ng Marso 2008.
Kabilang sa mga barangay na minomo nitor ay ang Barangay Mueller Loney, Zamora, Veterans Village, General Hudges at Barangay Sto. Rosario-Duran. Samantala, nagsasagawa na ng pagsusuri ang mga opisyal ng pamahalaang lungsod kasama ang mga health officials sa mga inuming tubig na pinaniniwalaang kontaminado ng nasabing bacteria. (Joy Cantos)