^

Probinsiya

Batang kinidnap tinodas

- Charlie Lagasca -

NUEVA VIZCAYA - Mala­gim na kamatayan ang sina­pit ng isang 11-anyos na ba­tang mag-aaral na dinukot noong Lunes (March 3) ng mga di-pa kilalang kalala­kihan saka  isinako at itina­pon sa kanal na sakop ng Santiago City, Isabela, ayon sa ulat ng pulisya.

Bandang alas-10 ng uma­ ga nang madiskubre ang bangkay ni Christian Jay Bolos ng Roxas Avenue, Purok 4, na nakasako at pa­lutang lutang sa irrigation canal sa Barangay Balinto­katok,

Lumilitaw na inisyal na pagsusuri ng mga awtoridad na may palatandaang pina­hirapan muna ang bata saka sinaksak sa leeg.

Napag-alamang papauwi na ang biktimang grade 6 mula sa pinapasukang La­sallete Elementary School nang kidnapin ng mga ar­madong kalalakihan.

Wala namang nagawa ang ilang residente na naka­saksi sa kasong kidnapping sa takot na madamay

Ayon sa source ng NGAYON, na nakipag-ugna­yan ang mga kidnaper sa pa­milya ng bata at humihingi ng P.5 milyon bilang ransom sa paglaya ng bata.

Kinumpirma naman ni Ze­ naida Bolos na may hinihi­nging ransom ang mga kidnaper subalit wala silang ga­nung kalaking halaga at na­ngakong magbibigay ng P.250 milyon noong Miyer­kules sa pinagkasunduang lugar sa isang gasolinahan sa DM Barangay Batal.

Lumilitaw sa nakalap na impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang source ng NGAYON na pinatay din ang bata kahit nakapagbigay ng ransom ang pamilya.

Pinaniniwalaang malaki ang galit ng mga kidnaper sa mga magulang ng bata kaya ginawa ang karumal-dumal na krimen.

Tumanggi namang mag­bi­gay ng anumang impor­masyon ang pulisya ka­ugnay sa kasong kidnapping at maging sa ulat na isinumite sa Camp Crame ay hindi bi­nanggit na kinidnap ang bata kahit na naipagbigay sa ka­nila na may mga nakasaksi.

Nangangamba ang mga opsiyal ng nasabing eskuwe­lahan na may susunod pang biktimang mag-aaral habang ang mga kidnaper ay naka­kalaya. (Dagdag na ulat ni Joy Cantos)

BARANGAY BALINTO

BARANGAY BATAL

CHRISTIAN JAY BOLOS

ELEMENTARY SCHOOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with