7 mangingisda nawawala

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City  – Pitong mangingisda ang naiulat na nawawala makaraang lumubog ang kanilang bangka sa karagatang sakop ng Pandan at San Miguel Island sa Catanduanes kamakalawa ng madaling-araw. Batay sa ulat ng Provincial Disaster Coordinating Council ang mga nawawala ay sina Joselito Angulo, Emmanuel Del Rosa, Jeremias Rafael at isang nakilala sa pangalang Edmar, habang ang tatlo ay hindi pa mabatid ang pagkikilanlan. Patuloy naman ang ope­rasyon ng rescue team ng Phil. Coast Guard at lokal na pa­mahalaan. Malaki naman ang pag-asa ng mga pamilya na na­ililigtas sa kamatayan ang  pito. (Ed Casulla)

Show comments