Bus nag-dive sa creek: 3 utas, 25 sugatan

LA TRINIDAD, Ben­guet  – Tatlo-katao kabilang ang isang  4-anyos na bata ang iniulat na nasawi ha­bang 25 iba pa ang nasugatan maka­raang mag-dive sa may 30-talampakang lalim na creek ang pampa­sa­herong bus ng mga biktima sa Barangay Lacnog, Tabuk City, Kalinga noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni Engr. Jojo Valera ng Office of Civil Defense sa Cordillera ang mga biktimang nasawi na sina Leon Tingli, 40, ng Ba­rangay Casigayan, Ta­buk City; Cristina Asan ng Tanudan, Kalinga at ang 4-anyos na si Leony Espita ng Quezon sa Isabela. 

Lumilitaw na patungo sa Ta­buk City mula sa San­tia­go City, Isabela ang Dang-on Bus Liner (AYC908) na minamaneho ni Jessie Bru­no nang ma­walan ng preno habang bumabagtas sa kur­ba­­dang highway sa Luyucan Bridge saka bumulusok sa ma­batong creek.

Kabilang sa mga su­gatang pasahero na na­isugod sa ospital ay sina Leo Josue ng Bulanao, Ta­buk City; Florencia Dum­manay, 62; Aray Dangani, 34, ng Anu­nang, Rizal; Bar­tolome Sabrano, 51, ng San Julian; Joselina Gar­cia, Kim Joseph Agsao, 3; Lourdes Campilis, 58; Jocelyn Macababbad, 49; Gina Umawing, 31; Princess Macababbad, 4; Remy Magmoyao,  27; Eddie Ag­sao, 50; Mary Grace Pa­lattao, 19; Mu­haime Gumaal, 37; Roel Eugenio, 18;  Elizabeth Miana, 40; Joan Es­talilla, 19; Mirasol Ba­niatan, 22; Joana Batuwil, 19; Be­nig­no Awingan, 27;  Emilio Pue­­ga, 34; Angelito Pru­den­cio, 22; RJ Umawing, 1; No­rie Macababbad; at si Jessie Bruno, driver ng bus.

Show comments