^

Probinsiya

Cafgu vs NPA: 8 patay

-

Walo-katao kabilang na ang isang deputy commander ng Cafgu ang ini­ulat na napatay sa naganap na madugong sagupaan ng magkalabang pangkat sa liblib na bahagi ng Carmen, Surigao del Sur kamaka­lawa.

Kinilala ang nasawing Cafgu na si Corporal Jadjori ng Army’s 23rd Infantry Battalion ng 4th Division.

Kasalukuyan namang  inaalam ang pagkikilanlan ng pitong rebeldeng NPA na pinaniniwalaang tauhan ni Kumander Salem.

Batay sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, madaling-araw nang sala­kayin ng mga rebelde ang Army-Cafgu detachment sa Barangay Hinapuyan sa nabanggit na bayan.

Umabot ng limang oras ang bakbakan matapos na magdepensa ang  tropa ng militar at Cafgu.

Narekober sa pinang­yarihan ng sagupaan ang 2-gra­nada, isang rifle grenade na may siyam na bala ng M203 grenade launcher at 11 improvised landmine.

Kasalukuyang bineberi­pika ng militar ang ulat na isang dayuhang babae ang namataang kasama ng mga rebeldeng  sumalakay  sa  nasabing  detachment. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY HINAPUYAN

CAFGU

CORPORAL JADJORI

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KUMANDER SALEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with