4 dedo sa road mishap

CAMP VICENTE LIM, Laguna  – Karit ni kamatayan ang sumalu­bong sa apat na tin­ed­yer, samantalang walo naman ang nasu­gatan makaraang sumalpok ang kanilang sinasak­yang Asian Utility Vehicle (AUV) sa concrete electric post sa bayan ng Famy, Laguna noong Sabado ng gabi.

Kabilang sa mga nasawing biktima ay sina Irene Pagalanan, 14, ng Mabitac, Laguna; Kristine Joy Abusejo, 15; Miko Gagarin, 14, ng Paete, Laguna at isang dalaga na nakilala la­mang na Michelle.

Sugatan naman ang drayber ng AUV na si Rodolfo Sulapco, Jr., 18, ng Barangay Labuin, Sta. Cruz, Laguna; Aj Aga­rao, 22; Jay-Kell Canlas, 22; Jonathan Canlas,18; Johndy Enriquez, 23; Mark Angelo Torsel­lino,17; Mark Joseph Bermudez, na pawang mga residente ng Pag­sawitan, Sta. Cruz, Laguna at Ira Dalhag, 14, ng Paete, Laguna.

Ayon kay P/Senior Supt. Felipe  Rojas, Jr., Laguna police director, dumalo sa birthday party ang mga biktima at pa­pauwi na sana sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna mula sa bayan ng Ma­bitac  sakay ng kulay ma­roon na Mitsubishi Adventure (VDZ-701) nang maaksidente sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Batuhan, bandang alas-6 ng gabi

Sa salaysay ng dray­ber sa mga imbestiga­dor, tinangka n’yang mag-overtake sa kot­seng nasa harap nila nang mawalan ito ng control sa manibela pagsapit sa kurbadang bahagi ng highway at tuluy-tuloy na bumang­ga sa kongretong poste ng kuryente sa gilid ng kalsada. (Arnell Ozaeta)

Show comments