Binatilyo tinodas ng tiyuhin

Dahil sa bawal na pag-ibig, pinatay sa saksak at taga ang isang 17-anyos na lalaki ng kaniyang tiyuhin at dalawang iba pa mata­pos niyang tangkaing itanan ang kaniyang pinsan na kanya ring nobya sa Murcia, Ne­g­ros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Agad na nasawi da­hil sa  maraming tama ng taga at saksak sa katawan ang biktimang si Alfonso Yonson, resi­dente ng Sitio Sam­bang, Barangay Santa Cruz, Murcia.

Pinaghahanap na­man ng pulisya ang  mga suspek na sina  Alfonso Dela Cruz at  mga anak nitong sina Ryan at Richard na ma­bilis na tumakas mata­pos ang krimen.

Natagpuan ang bang­kay ng biktima sa isang sapa  na wala nang bu­ hay at tadtad ng saksak at taga sa katawan da­kong alas -9  kahapon ng umaga.

Ayon sa kasintahan ng biktima  na si Reyna Mae Dela Cruz, may  pitong buwan na silang magkatipan ng pinsan niyang si Alfonso at balak na nilang tumakas upang magsama bilang mag-asawa.

Gayunman, natukla­san ng kanyang mga kaaanak ang kanilang pag-iibigan kaya agad silang tinutulan ng mga ito.

Sinubukan ng dala­wa na ipaglaban ang ka­ nilang pag-ibig subalit nabigo ito nang mapas­lang ng kanyang mga kaanak ang kanyang ka­sintahan.  (Joy Cantos)

Show comments