^

Probinsiya

2 ‘killer’ ng designer, tiklo

-

MANDAUE CITY, Cebu – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawa sa tatlong kalalakihan na pinanini­walaang responsable sa pagpatay sa isang interior designer noong na­karaang linggo sa Mandaue City makaraang maaresto ng pulisya sa bisinidad ng Sitio Crossing, Barangay Balud sa bayan ng San Fernando, Cebu, kamakalawa.

Kabilang sa  mga suspek na isinailalim sa interogasyon ay sina  Albert “Titat” Angga, 24; at Wilbert “Wilwil” Obaniel, 19, kapwa nanini­rahan sa Sitio Sta. Cruz, Barangay Lorega-San Miguel, Cebu City, ha­bang pinaghahanap pa ang pa­ngatlong suspek na kinilala lang sa pangalang Bolagdo Otto na ngayon ay nasa Maynila.

Ang mga suspek ay itinuturong pumatay kay Alexander Deen sa ikatlong palapag ng Mercedez Arcade sa Franco Building ng Ba­rangay Tipolo, Mandaue City noong Pebrero 22.

Ayon kay MCPO director P/Senior Supt. Rodel Calungsod,

Nagpatulong ang biktima sa mga suspek noong Pebrero 19 magpa­buhat ng mga bulaklak sa denide­senyuhan nitong bahay at binayaran sila ng P200 bawat isa.

Sinasabing si Otto ang huling namataang kasama ni Deen sa loob ng kuwarto nito at mayamaya lang ay narinig nila ang biktima na nagsisigaw sa paghahanap ng kanyang celfone at silang tatlo ay pinagbintangang kumuha nito.

Kaagad na nagalit at pinagbabaril ni Otto ang biktima saka pinag­tulungang talian at ilagay sa loob ng banyo. (Edwin Ian Melecio)

ALEXANDER DEEN

BARANGAY BALUD

BARANGAY LOREGA-SAN MIGUEL

BOLAGDO OTTO

PLACE

PLACENAME

PLACETYPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with