1 dedo, 4 grabe sa kuryente

CEBU – Lima-katao ang iniulat na nangisay na nag­re­sulta sa pagkamatay ng isa ma­karaang makuryente ha­bang inaayos ang antenna ng telebisyon sa Barangay Tala­vera, Toledo City, Cebu noong Huwebes ng umaga.

Di na umabot ng buhay sa Toledo District Hospital ang biktimang si Daryll Ba­salo, 19, habang nag­tamo ng mga paso sa ibat-ibang ba­hagi ng kata­wan sina Joel Guillano, 34; Dia­nara Guilla­no, 12; Rose­marie Mago, 39; at Jonathan Geral­dez, 36, pawang naninirahan sa nabanggit na barangay.

Sa ulat ni SP01 Revelito Ta­dique ng Toledo City PNP, lumilitaw na nagtu­lung-tulong ang mga bik­tima sa pagkakabit ng antenna ng telebisyon sa tin­dahang pag-aari ni Rose­marie Mago.

Sa hindi inaasahang pag­kakataon ay napadikit sa talop na linya ng kur­yente sa poste ang ante­nang may taas na 12-ta­lampakan. Da­hil sa lakas ng boltahe ay tumilapon ang lima subalit si Basalo na naka­puwesto sa pina­kadulo ng nasabing antenna ang napu­ruhan. (Edwin Ian Melecio)

Show comments