Brutal ang naging kamatayan ng isang interior designer at landscape artist matapos pahirapan bago paslangin sa Mandaue City, Cebu, ayon sa ulat kahapon.
Nakagapos pa ang mga kamay at nakalublob ang mukha sa inidoro nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Alexander Deen sa tinutuluyan nito sa Franco Building sa MC Briones St., Brgy. Bakilid ng lungsod.
Ayon sa mga imbestigador, dakong alas-12:10 ng tanghali kamakalawa ng madiskubre ang krimen matapos na humingi ng tulong ang caretaker ng gusali na si Michael Garciano, 50. (Joy Cantos)