^

Probinsiya

Abogado dedo sa ambush

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang 31-anyos na abo­gado ang iniulat na napatay makaraang tambangan ng ‘di-pa nakikilalang mga kalalakihan sa Barangay Poblacion sa bayan ng Puerto Galera, Oriental Mindoro noong Miyerkules ng February 6, 2008, ayon sa report kahapon.

Sa naantalang ulat na nakarating sa Camp Vicente Lim, kinilala ni P/Chief  Inspector D’Artagnan Katalbas, hepe ng Puerto Galera PNP ang biktimang si Atty. Christian Garcia ng Sitio Agwada, Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, papauwi na si Atty Garcia sakay ng motor­siklo nang harangin at pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki na lulan din ng motorsiklo bandang alas-6:30 ng gabi.

Pinaghahanap na ngayon ang mga suspek na mabilis na nagsitakas patungo sa ‘di-pa malamang direksyon matapos ang pamamaril.

Sinisilip ng mga imbestigador ang motibong may kaugnayan sa kanyang mga kaso, babae, negosyo at pulitika ang dahilan ng pamamaslang. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

ARTAGNAN KATALBAS

ATTY GARCIA

BARANGAY POBLACION

CAMP VICENTE LIM

CHRISTIAN GARCIA

INSPECTOR D

ORIENTAL MINDORO

PUERTO GALERA

SITIO AGWADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with