Dalaga ni-rape ng 2 trader

CAVITE – Masaklap na kapalaran ang sinapit ng isang 22-anyos na dalaga makaraang dukutin ay hinalay pa ng dalawang negosyante sa bayan ng Mendez, Cavite kamakalawa. Luhaang dumulog sa pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Rosana, 22, para ireklamo ang mga suspek na sina Ronnel Kubal, 35, at Celso Cesma, 42, kapwa naninirahan sa Barangay Daang Amaya 2, Tanza, Cavite. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, isinakay sa traysikel ang biktima saka dinala sa isa sa bahay ng suspek sa nabangggit na bayan. Sa follow-up operation, nasakote naman ang mga suspek at pormal na kinasuhan. (Cristina Timbang)

Show comments