^

Probinsiya

Pekeng STL front ng jueteng sa Zambales

-

ZAMBALES – Naging inutil ang executive order ni Zambales Governor Amor Deloso na nag-aatas sa kapulisan para sa full scale crackdown laban sa lahat ng pasugalan makaraang muling  mamayagpag sa 13-bayan ng Zambales ang jueteng na ginagamit ang pekeng small town lottery (STL).

Nabatid na nagpalabas ng kautusan si Gov. Deloso noong Enero na inaatasan ang provincial police office sa pamumuno ni P/Senior Supt Roland Felix at maging ang mga alkalde na magsagawa ng ma­lawakang operasyon laban sa jueteng subalit naging  panandalian (ningas-kugon) ang kampanya laban sa jueteng. 

Lumilitaw na ginagamit ng mga jueteng lord ang  pekeng STL kung saan gumagamit din ang mga kubrador ng papelitos na may stamp ng PCSO upang iligaw ang mga mananaya na ligal ang kanilang number game. Na dalawang beses kada araw ang pagbola.

 “Ang ipinagtataka ko lang ay saan nila kinukuha ang bola ng tumamang numero samantalang wala namang recognized STL outlet dito sa bayan ng San Narciso,” pahayag ng isang konsernadong mamamayan.

Sa nilagdaang kautusan ni Gov. Deloso, inaatasan ang kapulisan at mga alkalde na pahintuin ang lahat ng uri ng sugal sa kanilang nasasakupang bayan, subalit taliwas na­man ito sa nakikita ng mga residente na naglipana pa rin ang mga kolektor ng jueteng. (Alex Galang)

vuukle comment

ALEX GALANG

DELOSO

ENERO

SAN NARCISO

SENIOR SUPT ROLAND FELIX

ZAMBALES GOVERNOR AMOR DELOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with