^

Probinsiya

‘Freedom of spit’ ipinagbawal

- Eva Visperas -

DAGUPAN CITY – “Wel­­come to Dagupan, alagaan ang kalusugan, bawal ang dumura sa lan­sangan.”

Ito ang katagang maba­basa ng mga bisitang pa­pasok sa tinaguriang Ba­ngus Capital of the World, ayon kay Councilor Jesus Canto na nagpanukala ng city ordinance na pagba­bawal sa sinumang dumura sa public places sa na­banggit na lungsod.

Sa inaprobahang ordi­nansa ng city council, ang sinumang maaresto ng mga awtoridad ay pagmu­multahin ng P300 at 24-oras na community service sa unang paglabag, ha­bang P500 multa naman at 48-oras na community service sa ikalawang paglabag at sa ikatlong pagkakataon ay papatawan ng P1,000 plus 2-linggong community service. 

Nakasaad sa Section 1 ng Ordinance # 1453-93 “Prescribing and Penalizing Acts and Omissions Inimical to Cleanliness and Sanitation, ipinagbabawal sa sinumang dumura sa mga pampublikong lugar katulad ng parke at palaruan, plaza, lansangan, palengke at kahalintulad na lugar.

Kasaling menor-de-edad ang lalabag, ay pag­mumultahin ang kasamang magulang o sinumang ka­samang matanda.

“Maari namang gumamit ng pirasong tissue paper para dumura saka ilagay sa basurahan,” dagdag pa ni Canto.

Kinakailangang ituwid ang kinaugaliang masa­mang bisyo na dumura sa lansangan dahil nalalagay sa panganib ang kalusugan ng publiko,” pahayag pa ni Canto.

Sa kasalukuyan ay nag­pakalat na ng detalye at im­­pormasyon ang mga pang­kat ng lokal na pa­ma­ha­laan kaugnay sa nasabing ordi­nansa ha­bang nakaka­lat na rin ang mga awtori­dad para ares­tuhin ang mga lalabag.

vuukle comment

CAPITAL OF THE WORLD

CLEANLINESS AND SANITATION

COUNCILOR JESUS CANTO

DAGUPAN

PRESCRIBING AND PENALIZING ACTS AND OMISSIONS INIMICAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with