^

Probinsiya

Biyuda dinedo ni lolo

- Joy Cantos -

CAMP CRAME – Pina­tay muna ng isang 75-anyos na lolo ang kaibigan nitong biyuda bago nag­baril sa sarili sa San Luis Village, Baguio City kama­kalawa.

Kinilala ang nag-suicide  na si Roberto Walang Po­lon, samantalang nakilala naman  ang napatay nito na si Janet Ngoslab, 41, ng Pu­rok 1, Irisan.

Sa report ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, naitala ang krimen ban­dang alas-12:35 ng hapon sa loob ng tahanan ni Polon  sa #23 Sunflower Subdivision, San Luis Village ng nabanggit na lungsod.

Sa naging pahayag ni P/Senior Supt. Moises Gue­varra, hepe ng Baguio PNP, wala pang malinaw na motibo kung bakit pinatay ni Polon ang biyuda.

Lumilitaw sa imbesti­gas­yon, na binaril ng ma­tanda ang biktima sa ulo saka isi­na­laysay ang kri­men sa text message nito sa anak na ba­bae ng biyu­da.

Napag-alaman na nag­pa­dala rin ng text message si Polon sa kanyang anak na si Olivia na nakasaad ang buong pangyayari sa loob ng kanilang bahay.

Agad namang nagtungo si Olivia sa nasabing lugar, gayon pa man hindi na nito na­abutang buhay ang sari­ling ama na may ilang metro naman ang layo mula sa nakabulagtang bangkay ni Janet.

Nakarekober sa lugar ng insidente ng suicide note kung saan nakasaad kung ano ang gagawin sa bang­kay ni Polon at kung ano ang  gagawin sa abuloy na  maku­kuha ng mga ito.

Patuloy naman ang im­bes­tigasyon ng pulisya sa motibo ni Polon para patayin ang biyuda.

vuukle comment

JANET NGOSLAB

PLACE

POLON

SHY

ST2

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with