Tiyuhin kinatay ng pamangkin

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City  – Dahil sa matin­ding galit kaugnay sa lupang sinasaka na kinimkim ng mahabang panahon ay nagawang pagtatagain hanggang sa mapatay ang isang 50-anyos na mister ng sariling pa­mangking sa naganap na karahasan sa Barangay Lictin sa bayan ng San Andres, Ca­tanduanes kamaka­lawa ng gabi. Halos mabiyak ang ulo ng biktimang si Ulpiano Bermejo, samantala, nasakote naman ang sus­pek na si Joel Bermejo, 30, kapwa may asawa at mag­kapit­bahay sa nabanggit na barangay. Napag-alamang nagkasa­lubong ang nagtiyuhin sa nasabing barangay na humantong sa matinding komprontasyon hanggang sa mauwi sa pama­maslang. (Ed Casulla)

Show comments