Ex-mayor binugbog ng ex-mayor

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan – Binugbog ng dating mayor ng lungsod na ito at ng mga tauhan niya ang kanyang ninong na dati ring mayor ka­makalawa ng ha­pon sa loob mismo ng City Hall  dito.

Ayon kay Adriano “Dan” Daez, 63, dating alkalde ng Meycauayan, nagtungo siya sa city hall kasama si Er­nesto Oliva noong Miyerku­les ng hapon upang ipatanggap ang kanilang pasabi para ma­kapagsagawa ng rally for good governance ngunit pinagpasa-pasahan sila ng mga empleyado ng city hall hanggang sa dumating si dating Mayor Eddie Alarilla na ngayo’y general consul­tant ng pamahalaang lung­sod.

Nagkasagutan pa sila ni Alarilla at bigla na lamang siyang sinuntok sa mukha hanggang sa pagtulung-tulungan siyang bugbugin ng mga body guard nito.

Aawat sana si Oliva ngunit binugbog din ito ng mga bodyguard ni Alarilla kaya duguan silang lu­mabas ng tanggapan ng dating mayor. (Dino Balabo)

Show comments