^

Probinsiya

Panibagong pagpapasabog nasilat

-

KIDAPAWAN CITY — Nasilat ang tangkang pagpa­pasabog ng mga rebeldeng New People’s Army sa ita­tayong farm-to-market road makaraang madiskubre ng mga kawal ng 27th Infantry Battalion  ng Phil. Army ang may 50 pirasong dinamita sa hangganan ng  Barangay Dela Paz sa Columbio, Sultan Kudarat at Koronadal City, South Cotabato noong Miyerkules.

Ayon kay Army Col. Ricardo Santiago, commander ng 27th Infantry Battalion, sa tulong ng mga resi­dente ay narekober ng kan­yang mga tauhan ang 100 kilong blasting caps at iba pang materyales sa pag­gawa ng pampasabog na itinanim ng mga rebelde. Inilagay sa selyadong cylinder ng freon gas at ibinaon sa abandonadong farm lot na pagtatayuan sana ng farm-to-market road sa naturang barangay. Napag-alamang sine­mento pa ang lupang pinag­baunan ng pampasabog kaya kinailangang gumamit ng back hoe excavator para lang makuha ang mga naka­tagong dinamita. (Malu Ca­de­lina Manar)

vuukle comment

ARMY COL

BARANGAY DELA PAZ

INFANTRY BATTALION

KORONADAL CITY

MALU CA

NEW PEOPLE

RICARDO SANTIAGO

SHY

SOUTH COTABATO

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with