^

Probinsiya

Utak sa pagpatay sa ina ng consul, tiklo

-

BULACAN – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isa sa apat na suspek at iti­nutu­ring na utak sa pag­patay sa ina ng consul ge­neral ng Pilipinas sa Australia noong Hulyo 12, 2006 sa bayan ng Bulakan, Bulacan sa isinaga­wang operasyon sa Ba­rangay Pembo, Ma­kati, City, Metro Manila ka­hapon.

Sumasailalim na sa tactical interrogation ang sus­pek na si Rolando Villa­verde y Mangahas, 26, ng Barangay Sta. Ana, Bula­kan, Bulacan.

Ayon kay P/Senior Supt. Allen Bantolo, si Villaverde ay isa sa pangunahing sus­pek sa pagpapatay kay Ro­salina Pa­reño-Lazaro, 74, biyuda at ina ni Teresa La­zaro na consul ge­ne­ral ng Pilipinas sa Australia.

Naunang naaresto ang tatlong kasabwat ni Villa­verde na sina Domingo Chico y Mi­randa, Abet Dela Cruz at Dennis Bautista na namatay sa ku­lu­ngan dahil sa sakit noong Dis­yembre.

Si Villaverde ay dating tray­sikel drayber na ini­ha­hatid ang matanda pauwi sa Ba­rangay San Jose ng nabang­git na bayan.

Pinabulaanan naman ni Villaverde na siya ang utak sa krimen bagkus ibinaling sa kanyang kasamang si Dela Cruz ang pumatay sa matandang nagtamo ng 75 saksak sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan. (Dino Balabo)

vuukle comment

ABET DELA CRUZ

ALLEN BANTOLO

BARANGAY STA

BULACAN

DELA CRUZ

DENNIS BAUTISTA

DINO BALABO

DOMINGO CHICO

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with