Ambush: 3 katao utas

BATANGAS CITY –Tatlo-katao kabilang na ang isang babae ang  iniulat na napatay ma­karaang tambangan ng mga ‘di-pa nakilalang kalalakihan sa bahagi ng Barangay Concep­cion sa Batangas City, Batangas noong Biyer­nes ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Christopher Tambu­ngan, Batangas City chief of police, ang mga biktimang sina Dennis Solis, 24, ng San Jose, Batangas; live-in partner nitong si Edna Ma­ yuga at ang traysikel drayber na si Roland Malaluan, 22.

Ayon sa  pulisya, pa­pauwi na ang mga biktima sa bayan ng San Jose mula sa Ba­tangas City lulan ng trike nang harangin at ratratin sa kahabaan ng highway na sakop ng nabanggit na ba­rangay bandang alas-5 ng hapon.

Sabog ang ulo ni Solis samantalang nag­kabutas-butas naman ang buong katawan nina Mayuga at Mala­luan dahil sa tama ng bala ng  M16 rifle.

Mabilis na nagsita­kas ang mga killer sa­kay ng kulay puting kotse na walang plaka patungo sa ‘di-pa mala­mang direk­syon.

Pinaniniwalaang pag­hihiganti ang nasi­si­ lip na motibo mata­pos na may makagalit ang mga bik­ tima sa bayan ng San Jose na patuloy pa ring ina­alam.

Show comments