AFP vs ASG: 5 todas, 7 pa sugatan

CAMP CRAME – Madu­gong sagupaan ang naga­nap sa pagitan ng tropa ng military at mga bandidong Abu Sayyaf Group sa kagu­batan ng Maimbung, Sulu kung saan dalawang sun­dalo at tatlong Sayyaf ang na­matay habang pito na­mang kawal ang iniulat na na­sugatan kahapon ng ma­daling-araw.

Sa isang phone interview, sinabi ni Major Eugene Batara, spokesman ng AFP-Western Mindanao Command, kasalukuyang nagsa­sagawa ng rescue operation ang pinagsanib na elemento ng Army’s 3rd Light Reaction Company (LRC) at Special Warfare Group (SWAG) ng Philippine Navy sa kinidnap Tsinoy trader na si Rosalie Lao nang makasagupa ang mga kidnaper sa liblib na ba­hagi ng Barangay Ipil.

Sinabi ni Batara, na ang mga bandidong nakasagupa ng mga sundalo ay grupo nina Abu Sayyaf Commanders Albader Parad, may pa­ tong sa ulong $ 15,000 at Dr. Abu  Pula, $ 10,000 na ka­p­ wa natukoy na dumukot sa bikti­ma noong  Lunes ng Enero 28  sa kapitolyo ng Jolo, Sulu.

Pansamantalang hindi muna tinukoy ni Batara ang mga pangalan ng mga na­patay na sundalo habang ang mga sugatan ay isinu­god naman sa ospital.

Narekober sa encounter site ang isang M16 rifle at ang bangkay ng tatlong Abu Sayyaf na inabandona ng mga nagsitakas nilang ka­samahan. (Joy Cantos)

Show comments