Ferry vs barge: 31 nasaktan

Tinatayang aabot sa tat­lumput isa-katao ang iniulat na nasaktan maka­raang su­mal­pok ang ferry boat sa isang lantsang-de-diskarga (barge) sa Tagbi­laran Chan­nel sa Cebu noong Sabado ng gabi, ayon sa ulat ng Phil. Coast Guard kahapon.

Ang mga walong pasa­hero na kabilang sa M/V Ocean Jet 3 ay dinala sa Romero Hospital, Borja Clinic at Celetino Gallarez Hospital sa Tagbi­laran City, ayon kay Cristobal Hinayon.

Kinilala ang mga suga­tang pasahero na sina Jo­celyn Calolo, Michael Baquio, Rodel Cahote, Ca­mille May Buan, Cecille Yap, Michel Paras, Arnel Belocora at Julie Anne Gonzales.

Lumilitaw sa pagsisiyasat, na naglalayag ang ferry boat ni Capt. Domingo Huilar  nang aksidenteng mahagip ang Barge Valerie ni Capt. Emma­nuel Corpuz na naka-angkla sa bisinidad ng Beacon #3 para pumasok sa Tagbi­laran Channel.

Ayon sa ulat, pag-aari ng Ocean Fast Ferry Corp. na may office address sa Pier 1, Cebu City, ang Ocean Jet 3.

Dahil sa naganap na sea mishap ay nayupi ng isang metro ang unahan ng nasa­bing ferry, samantala, nayupi naman ang gilid ng barge na may isang metro ang lalim.

Nagawa naman maka­daong ng ferry boat na may 140 pasahero sa pantalan ng Tagbilaran City habang nanatili naman naka-anchore ang barge sa orihinal nitong puwesto.

Pinayuhan naman ng PCG ang kapwa kapitan ng sasak­yang pandagat na nagsumite ng kani-kanilang reklamo sa kinauukulan. (Edwin Ian Melecio, Evelyn Macairan at Danilo Garcia)

Show comments