Healing priest sa 2nd WAE
CAMARINES NORTE – Muli na naman dadagsain ng libu-libong deboto si Fr. Fernando Suarez kung saan isasabay ang healing mass sa gaganaping World Art Exeprience sa bayan ng Daet, Camarines Norte ngayong hapon (Feb 4).
Sa panayam ng PSN kay Fr. Don Corre Jr, tagapagsalita ni Bishop Gilbert Garcera, gaganapin ang healing mass ni Fr. Suarez sa Holy Trinity Cathedral sa Barangay Gahonon sa nabanggit na bayan.
Sa panig ni Daet Mayor Tito Sarte Sarion, isa si Fr. Suarez sa dadalong personalidad sa anim na araw na selebrasyon ng 2nd World Art Experience (WAE) kabilang sina Sen. Loren Legarda, Sen. Juan Miguel Zubiri, Mayor Ramon Guico Jr, LMP National President, Ricky Lee, multi-awarded scriptwriter at ilang showbiz personalities, Hermes Alegre at ilang pulitiko na magsisimula sa Feb. 4 hanggang Feb. 9.
Dahil sa may mahalagang pagpupulong sa Malacañang ay hindi naman makakadalo si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa openning day ng Central Plaza Mall kasabay ng selebrasyon ng WAE.
Ayon pa kay Sarion isang malaking karangalan na mapili ang Daet na maging host ng 2nd WAE matapos na unang isinagawa ito sa Angono, Rizal.
Inaasahan din ni Mayor Sarion na susuportahan ng mga kilalang politiko ang pagiging lungsod ng Daet bilang “character town” ng Camarines Norte. (Francis Elevado)
- Latest
- Trending