2 inambus ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dalawa-katao kabilang na ang detachment commander ng Cafgu ang iniulat na napas­lang ng mga rebeldeng New People’s Army makaraang tambangan ng mga ’di-kila­lang lalaki sa ha­nganan ng Barangay Badian, Oas, Albay at Barangay Cat­bura­wan sa Ligao City kama­kalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina S/Sgt. James Sapao, detachment commander ng Badian CAA ng 22nd Infantry Battalion ng Phil. Army at Rudy Legson ng Barangay Catbu­rawan, Ligao City.

Nabatid na magkasa­mang naglalakad ang da­lawa nang harangin at pag­baba­rilin ng mga arma­dong kala­lakihan.

Napag-alamang tinangay ng mga suspek ang baril, cel­fone at pitaka ng mga bik­tima. Hindi pa mabatid ang motibo ng pamamas­lang. (Ed Casulla)

Show comments