Humoldap sa Cafe napatay

Bacoor, Cavite  – Isang hinihinalang magnanakaw ang napatay samantalang arestado naman ang isa pa matapos pasukin ng mga ito ang isang internet café sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Superintendent Mario Reyes, Bacoor police chief, ang mga sus­pek na sina Herry Sa­ miano, Aris Basal Lan­dicho, 27, ng 439 Alapan C- Imus, Cavite at isang lalaki na nakilala lamang na Rudy na taga Bina­kayan, Kawit, Cavite.

Ayon sa ulat ng pulisya, hinoldap umano ng tatlo ang JOLOMAT INTERNET CAFE  sa  Karus Park Mo­lino 1 na pag-aari ni So­corro Simero.

Sa isinagawang hot pursuit operation, agad ding naaresto sina Samiano at Landicho pero nakatakas naman si alias Rudy.

Subalit habang isina­sakay na umano ang da­lawang suspek sa police mobile patrol, nagawa uma­nong agawin ni Sa­miano ang baril ni PO3 Joel Palmares, hanggang sa barilin ni Superintendent Mario Reyes si Samiano na naging sanhi ng kanyang kamatayan. (Arnell Ozaeta at Cristina Timbang)

Show comments