^

Probinsiya

Nangholdap ng pulis, todas

-

Isang holdaper ang na­sawi makaraang pagbaba­rilin ng isang pulis na pu­malag nang holdapin nito at tangkaing agawin ang cell phone sa Nasugbu, Ba­tangas  kamakalawa.

Dead-on-arrival sa  Apa­cible Memorial  Hospital ang  holdaper na si Rey­naldo de Padua Jr., 27, ng Brgy. Wawa, Nasugbu, da­hil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng ma­daling-araw  sa likod ng Johndel Beach Resort sa Brgy. Bucana ng nasabing bayan.

Abalang  nagte-text si PO1 Virgilio Gomez, ng Nasugbu Police Station, nang biglang sumulpot sa kanyang likuran si De Padua at isang Alejandro Delgado, 31.

Matapos tutukan ng patalim ng dalawa si Go­mez ay agad ang mga itong nagdeklara ng hol­dap at sapilitang inaagaw ang cell phone ng kani­lang bi­nibiktima na lingid sa ka­alaman ng mga ito ay isa palang alagad ng batas.

Nanlaban naman ang nasabing pulis na naki­pagpambuno sa dalawang holdaper.

Sa puntong ito ay ma­bilis na binunot ni Gomez ang kaniyang baril at pina­putukan si de Padua sa katawan.

Nasakote naman ang papatakas sanang si  Del­gado matapos magres­ponde sa lugar ang mga ka­sa­mahang parak ni Gomez. (Joy Cantos)

ALEJANDRO DELGADO

BRGY

DE PADUA

GOMEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with