^

Probinsiya

Laguna shootout: 3 holdaper tumba

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Nagwakas ang modus operandi ng tatlong kalalakihan na pinani­niwalaang miyembro ng notorious robbery syndicate makaraang mapatay sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Region 4A sa bahagi ng Barangay Bucal, Calamba City, Laguna kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Mark Edison Belarma, chief ng CIDG Region 4A, ang mga napatay na sina Romeo Valora, 35, ng Barangay Malamig, Biñan, Laguna; George Villamor ng Barangay Bucal, Calamba City; at si Reynaldo Ibarra, 46, ng Barangay Marulas, Valenzuela City at pawang mga miyembro ng “Waray-Waray Gang”.

Base sa ulat, nakatanggap ng tawag sa telepono ang opisina ng CIDG mula sa isang residente ng Laguna Hills Subdivision kaugnay sa kahina-hinalang sasakyang Munich Taxi Co. (TWG-524) na nakaparada sa madilim na bahagi ng nasabing village bandang alas-12:30 ng madaling-araw.

Nang respondehan ng mga elemento ng CIDG sa pangunguna ni P/Supt. Leo Quevedo, ay bigla silang pinaputukan ng mga nakasakay sa taxi hanggang sa magkapalitan ng putok na nauwi sa pagkamatay sa tatlo.

Patay agad sina Valora at Villamor samantalang namatay naman si Ibarra sa JP Rizal Hospital sa Calamba  City.

Narekober sa tatlo ang isang granada, dalawang baril na cal .38, isang bolt cutter at isang location map ng subdivision na gagamitin ng grupo para sa kanilang akyat-bahay operation. (Arnell Ozaeta, Ed Amoroso at Joy Cantos)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY BUCAL

BARANGAY MALAMIG

BARANGAY MARULAS

CALAMBA CITY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

ED AMOROSO

GEORGE VILLAMOR

PLACENAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with