3 kawani ng ‘Nestle’ kinidnap
CAMP CRAME – Tatlong kawani ng Nestle Ice Cream ang iniulat na dinukot ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang kasapi ng Pentagon kidnap-for-ransom gang sa bahagi ng
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Jeofrey Becero, 28, ng Cotabato City; Christopher Lamigo, 42, ng Shariff Kabunsuan; at ang kapatid nitong lalaki na ‘di natukoy ang pangalan.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang pagdukot sa bisinidad ng Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao bandang alas-2 ng hapon. Ayon sa mga awtoridad, ang tatlo ay pinagsususpetsahan ng grupo ni alyas Musa na mga espiya ng gobernador sa Maguindanao.
Nagpadala na ng emisaryo ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Mamasapano upang makipagnegosasyon sa mga kidnaper. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending