Buntis pinalakol ng amok

Kalunus-lunos ang si­napit ng isang apat na buwang bun­tis na ginang nang mapatay ng isang nag-amok na binata sa Barangay Bulabog, Sor­sogon City, Sorsogon ka­hapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Aida Laresa na agad bi­nawian ng buhay sa in­sidente sa tina­mong ma­lalalim na sugat sa ulo, tiyan at likod.

Nasa kritikal namang kon­disyon ang tatlo pang biktima na sina Alex Lau­reta, Albret Laresa at Roel Laresa.

Nakilala naman ang sus­pek  na si Sherwin Con­da, 22, ng Barangay Bula­bog.

Nabatid na bigla na la­mang sumulpot sa lugar ang suspek na may dala-dalang palakol.

Gayunman sa hindi mala­mang dahilan ay bigla na la­mang itong nag-amok at pi­nagpapalakol ang buntis na ginang habang isinunod ang tatlo pa na tinangka itong awatin. 

Napag-alaman na unang naabutan at pinalakol ng sus­pek ang buntis na misis hang­gang sa bumulwak ang dugo at bituka ng biktima at mata­pos ay saka naman binalingan ang iba pang mga biktima na nakaupo sa tabi ng kanilang bahay at pinagpapalakol din.

Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na ang sus­pek ay lango sa ipinagbaba­wal na droga dahil namumula ang mga mata nito.

Kaagad namang tumakas ang suspek dala ang machete na ginamit nito sa pamama­lakol sa mga biktima. (Joy Cantos at Ed Casulla)

Show comments