^

Probinsiya

Nawawalang kapitan ng barko nakitang lumulutang sa dagat

-

Camp Vicente Lim, Laguna – Matapos maiulat na nawawala nang anim na araw, natagpuan na rin kamakalawa ang mga bangkay ng isang kapitan ng barko at isang crew nito habang palutang-lutang sa karagatan ng Oriental Mindoro.

Kinilala ni Oriental Min­doro Police Director Senior Superintendent Agrimero Cruz ang mga biktimang sina Elmo Atiga, 53, kapitan ng M/V Tugboat at ang oiler na si  Michael Flores, 36.

Ayon kay Col. Cruz, natagpuan ang bangkay ni Atiga sa karagatang ma­lapit sa Barangay Tambong sa bayan ng Gloria ban­dang alas-9:00 ng umaga samantalang natagpuan naman ang bangkay ni Torres 100-metro ang layo sa baybayin ng Barangay Pili sa bayan ng Pinama­layan, Oriental Mindoro.

Bukod sa naaagnas na, nakitaan ng mga sugat mula sa tama ng baril ang bangkay ng dalawang bik­tima na posibleng naging sanhi ng kanilang kamata­yan. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY PILI

BARANGAY TAMBONG

CAMP VICENTE LIM

ELMO ATIGA

MICHAEL FLORES

ORIENTAL MIN

ORIENTAL MINDORO

POLICE DIRECTOR SENIOR SUPERINTENDENT AGRIMERO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with