^

Probinsiya

Truck vs jeepney: 4 babae todas

- Ni Jonie Capalaran -

BATAAN – Apat na sibil­yan ang iniulat na namatay samantalang sampung iba pa ang nasa malubhang kalaga­yan makaraang mag­salpukan ang dalawang sasakyan sa ka­habaan ng highway na sa­kop ng Ba­rangay Rosevelt sa bayan ng Dinalupihan, Ba­taan kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay P/Senior Insp. Rogelio Rillon, hepe ng Di­nalupihan PNP, idinek­larang patay sa Jose  Payumo District Hospital ay sina Con­so­lacion Morales, Alvina Bruno at si Ofelia Cano­nesado na pa­wang nakatira sa Sitio Pantog, Barangay Sta. Ju­liana, Capaz Tarlac City ay na­matay naman sa Gor­don Hospital sa Olonga­po City  ha­bang ginagamot at patuloy na­man kinikilala ang isa pang nasawi.

Nasa kritikal na kondis­yon at inoobserbahan sa James Gordon Hospital ay sina Eddie dela Cruz, Darna Evangelista, Edward Bayan, driver, Car­mela dela Cruz, Arlene Bayan, Olive Cano­nesado at Irine Morales habang nasa Jose Payumo Distirct Hospital naman sina Lotsie Morales, Rolando Evangelista at Michele Evangelista.

Ang iba naman sibilyan na nagtamo ng kaunting sugat sa ka­tawan at ligtas sa kapaha­ma­kan ay pinalabas na ng ospital.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Julian Macarobo, bina­bagtas ng pampasa­herong jeepney (CXC-300) ni Edward ang kahabaan ng national road mula sa Tarlac patu­ngong Olongapo City nang mag-overtake sa sinu­sun­dang sasak­yan.

Gayon pa man, hindi napansin ng drayber ng jeepney ang kasalubong na cargo truck ng Fedex (FWL-632) ni Danny Baba, 36, ng Meycauayan Bulacan kaya naganap ang trahedya.

Napag-alamang patungo sana sa kapistahan ang mga biktima sa Sitio Poon Bato, Botolan, Zambales nang salubungin ni kamatayan.

 Samantala, overloaded ang jeepney na may lulang 42-pasahero kabilang ang 29-Aeta na karamihan ay mga bata. (Dagdag ulat nina Joy Cantos at Alex Galang)

ALEX GALANG

ALVINA BRUNO

ARLENE BAYAN

PLACE

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with