Grupong pumatay sa aide ni Binay at pamangkin ni Bunye nasakote
CAMP CRAME – Arestado ng mga intelligence operatives ng pulisya ang walong notoryus na ‘hired killers’ kabilang ang dalawang babae na ex-New People’s Army breakaway group ay Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade sa isinagawang operasyon sa safehouse ng grupo sa bayan ng San Pedro, Laguna may ilang araw na ang nakalipas.
Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, kabilang sa mga suspek na nadakma ay sina Brandy Nilo Gerona, alyas Ka Andy; Lloyd Perez, alyas Lloyd; Rommel Baying, alyas Mike; Elly Macariola alyas Alex; Frangilico Gerona, alyas Gilbeys/James; Jonathan Cartujano, alyas Joey; Jenny Canlas, alyas Melo; at si Siena Quiambao, alyas Sienna.
Ayon sa ulat, sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Cezar D. Mangrobang ng Imus Regional Trial Court Branch 22, Cavite, nilusob ng mga operatiba ng Southern Police District at Special Action Force (SAF) ang pinagkukutaan ng mga suspek sa Block 3 Lot 8, Pacita Complex ng nabanggit na bayan noong Sabado ng umaga
Nasamsam sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang cal. 9mm submachine; isang cal. 25; tatlong
Sa imbestigasyon, lumilitaw na ginawang gun-for-hire, extortionist ni Brandy Gerona ang nasabing grupo na ayon sa ulat ay pinopondohan at pino protektahan ng ilang personalidad na pansamantalang hindi isiniwalat ang mga pangalan.
Inamin ng sindikato na aabot ng 40-personalidad ang kanilang nalikida na base sa narekober na folder ay mga pulis, opisyal ng barangay, presidente ng mga homeowners association at ang pinsan at pamangkin ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na sina Virgilio Bunye at Obet Bunye maging ang security aide ni Makati City Mayor Jejomar Binay na si Lito Glean na pinas lang noong nakaraang taon.
Samantala, patuloy naman ang hot pursuit operations sa dalawa pang nakalalayang galamay ng sindikato at sinampahan na rin ng kasong kriminal ang mga nasakoteng suspek.
Nabatid pa na may mga kli yente ring mga pulitiko ang sindikato subalit tumanggi namang isiwalat ng opisyal ng pulisya habang puspusan ang pangangalap ng mga awtoridad ng ebidensya laban sa mga ito. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending