^

Probinsiya

Mag-utol nagpatayan dahil sa lupang minana

-

KIDAPAWAN CITY – Isa na namang kaso ng pa­tayan ng mag-utol ang naitala ng pulisya kung saan napatay ang isang ba­rangay tanod ng sariling kapatid noong Linggo ng hapon sa Barangay Nua­ngan, Kidapawan City, North Cotabato.

Awayan sa lupang mi­nana mula sa kanilang mga magulang ang sina­sabing dahilan kaya na­patay ang biktimang si Andres Fajardo matapos na pagpapaluin ng baril sa ulo ng suspek na si Fernando Fajardo.

Ayon sa report, nagtalo muna ang mag-utol na Fajardo  kaugnay sa lupang iniwan ng kanilang mga magulang sa Barangay Nuangan kaya nagawang paluin ng biktima ang sus­pek.

Subalit, naagaw ng sus­pek ang baril na ginamit niya para pukpukin hang­gang sa mapatay ang kan­yang kapatid.

Tinangkang tumakas ng suspek pero nasukol din ng mga pulis at ngayon ay pormal na kakasuhan ha­bang nakakulong sa him­pilan ng pulisya sa Kida­pawan City.

Ito na ang ikalawang pagkakataon kung saan mag-utol ang sangkot sa kaso ng pagpatay sa North Cotabato.  

Noong Biyernes naman ng hapon sa bayan ng Mag­pet, pinatay ng suspek na si Jasser Catacutan ang kan­yang kuya na si Anecito Ca­tacutan dahil din sa mina­nang lupain. (Malu Manar) 

vuukle comment

ANDRES FAJARDO

ANECITO CA

BARANGAY NUA

BARANGAY NUANGAN

NORTH COTABATO

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with