Ex-barangay chairman itinumba

BULACAN – Tinambangan at napatay ang isang dating barangay chairman ng mga ‘di-kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo sa bahagi ng Barangay Matimbo sa Malolos City, Bulacan kahapon ng umaga.

Sampung bala ng baril ang tumapos sa buhay ni ex-Chairman Protacio “Jojo” Caballero Jr. ng Barangay Bancal, Malolos City.

Ayon sa pulisya, nagmo­motorsiklo ang biktima nang dikitan ng motorcycle-riding gunmen at isagawa ang pananambang. Ayon sa ilang nakasaksi sa krimen, nakasuot ng helmet, naka-kulay puting sando at kulay berdeng shorts ang dalawang kalalakihan.

Sinisilip ng mga imbestigador kung may kaugnayan ang nakaaway ng biktima sa Brgy. Bancal dahil sa pananabotahe ng negosyo nitong videoke machine.  (Dino Balabo)

Show comments