^

Probinsiya

Pagpatay  sa manager ng ospital pinabubusisi sa DOJ at NBI

-

CAVITE – Muling pina­bubuksan sa Department of Justice at National Bureau of Investigation ang kaso kaugnay sa pagpatay sa manager  ng ospital na na­tagpuan ang bangkay nito sa bahagi ng Barangay Sungay, Tagaytay City, Cavite noong Abril 20, 2006.

Ang kahilingan ay gi­nawa ng mga kaanak ng biktimang si Baltazar D. Santander, 50, manager ng Human Resources and Quality Assurance ng Prime Global Care Medical Center Inc. na may opisina  sa panulukan ng Avenida Road at Cabezas St., Bahayang Pag-asa Subd., Phase 2, Molino 2, Bacoor, Cavite.

Ayon sa mga kaanak, may mga ulat na dinukot ang biktima sa harap ng nasabing ospital bandang alas-10 ng umaga noong Abril 17, 2006.

May nakakita na su­makay ang biktima sa pulang sasakyan at hindi na nakita pa muling buhay.

Sinisilip din ang ang­gulong inside job na po­sibleng pagnanakaw sa­pagkat aabot sa P80,000 ang dala ng biktima ma­tapos itong utusang mag-deposit sa sangay ng Allied Bank sa Barangay Molino sa Bacoor, Cavite.

Base na rin sa post-mortem examination ng PNP-SOCO sa Camp Vi­cente Lim, Laguna, ang basag na ulo ng biktima binalutan ng itim na plastic bag, nakagapos ang mga kamay at  paa, nakapiring ang mata at bibig.

Lumalabas din sa ulat na may palatandaang pi­nahirapan muna bago pinatay ang biktimang tu­bong Barangay San Juan, Bacolod City at residente ng # 24 Osmium St., Phase IV, Golden City Subdivision sa Barangay Anabu, Imus, Cavite.

vuukle comment

ABRIL

ALLIED BANK

AVENIDA ROAD

BACOOR

BAHAYANG PAG

BALTAZAR D

CAVITE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with