^

Probinsiya

Ex-cop utak sa pagpatay sa pari

- Joy Cantos -

Isang dating pulis na sumapi sa bandidong Abu Sayyaf ang tinukoy na utak  sa pagpatay sa isang pari na tinangkang dukutin ng 10 armado at maska­radong lalaki sa South Ubian, Tawi-Tawi noong Martes.

Ito ang nabatid kay Armed Forces of  the Philippines-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Nestor Allaga kaugnay ng mas pinaigting na search and rescue operations upang mabawi ang isa pang bihag na guro ng Notre Dame High School na si Omar Taub na hawak ng mga tumakas na kidnapper.

Ayon kay Allaga, na­tukoy nila ang nasabing dating pulis na ayon sa ilang testigo ay siyang nanguna sa paglusob sa Mary Immaculate Church at Notre Dame High School kung saan ay pinaslang ang biktimang si Father Ray Roda

Si Roda, 53, ay 10 taon nang nagmimisyon sa lalawigan at tumatayong Kura Paroko at director rin ng eskuwelahan.

Gayunman, tumanggi muna ang opisyal na pa­ngalanan ang suspek dahil baka mabulilyaso ang operasyon para masagip si Daup.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARMED FORCES

FATHER RAY RODA

HIGH SCHOOL

KURA PAROKO

MARY IMMACULATE CHURCH

NESTOR ALLAGA

NOTRE DAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with