Ninang ginahasa ng inaanak

Ginahasa ng isang  lalaki ang kaniyang ninang sa kasal sa Urdaneta, Panga­sinan kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si  Richard Men­doza, 28, ng Barangay Dos ng nasabing bayan.

Ayon sa biktimang itinago sa pangalang “Elena,” pa­sado alas-10:00 ng umaga kamakalawa at kaaalis la­mang ng kanyang Mister para pumasok sa trabaho nang biglang dumating sa kanilang bahay si Mendoza.

Dahil inaanak sa kasal ay inalok pa ito ng biktima na ku­main muna ng inihanda niyang pagkain subalit bigla siyang sinikmuraan.

Bagaman nagawang man­­laban ni Elena sa ina­anak subali’t nanghina rin ito da­hilan sa sobrang lakas ng  sun­tok nito sa kaniyang sikmura.

Iginapos umano siya  ng suspek at binusalan ng tela ang bibig para hindi maka­sigaw saka dinala siya sa kuwarto at doon siya gina­hasa.

Sa presinto, nakitaan ng maraming kalmot sa mukha at katawan si Mendoza na  palatandaang nanlaban ang biktima. Inihahanda na ang pag­­­­sasampa ng kasong kri­mi­nal laban sa nasabing sus­pek. (Joy Cantos)

Show comments