Coed pinatay sa bilyaran

CEBU CITY – Isang 18-anyos na kolehiyala na tumangging makipagkilala sa kabarong estud­yan­teng babae na inakalang tomboy ang iniulat na pinag­sasaksak at napatay ng huli sa loob ng bilyaran sa Barangay Bani­lad, Cebu City kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa tiyan at dibdib ang biktimang ‘di-na umabot pa ng buhay sa Vi­cente Gullas Hospital si Rhobey Ann Ariola, nasa unang taon sa kursong  Hotel and Restaurant Management habang sumuko na­man kahapon sa him­pilan ng pulisya ang sus­pek na itinago sa panga­lang Beth, 17.

Ang pananaksak ay naga­nap sa loob ng Gimmix Foxx Billard Hall sa J. Panes Street ng nabanggit na barangay kung saan malapit nag-aaral ang dalawa.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jay Yballe, imbes­tigador ng Homicide Section ng Cebu City Police Office, base na rin sa mga ale­gasyon ng kasamahan ng biktima, unang lumapit ang suspek saka naki­pagkilala sa biktima.

Subalit napagkamalang tibo ang suspek kaya tu­manggi ang biktima at na­kipagsagutan hanggang humantong sa sabunutan ng dalawa.

Napag-alamang naki­halo na rin sa away ang mga ka­samahan ng da­lawa hang­­gang sa ma­patay ng suspek ang bik­tima.

Itinanggi naman ng sus­pek na siya ay tibo at nais lamang niyang makipag­kilala sa kapwa estudyan­teng kapareho ng kanyang kurso at nabigla nalang ito nang biglang hatakin ng biktima ang kanyang upuan at saka siya sina­bunutan.

Dahil sa pagiging menor-de-edad ng suspek ay nakatakdang i-turn over ng pulisya sa  Department of Social Welfare and Development.

Show comments