^

Probinsiya

Pulis tinodas sa harap ni misis

-

Pinagbabaril hanggang sa mapatay sa harapan mismo ng kaniyang asawa ang isang pulis ng hindi pa nakilalang apat na mga armadong lalaki na pumasok sa kanilang tahanan sa Anabu, Imus, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si PO2 Rommel Garcia na agad na binawian ng buhay matapos barilin sa leeg at katawan bandang alas-11:00 ng gabi.

Sinabi ng misis ni Garcia na si Edna na nanonood silang mag-asawa ng telebisyon nang biglang dumating ang mga suspek at walang pasintabing pumasok sa kanilang tahanan.

Biglang bumunot ng baril ang mga suspek at agad na pinaputukan ang biktima.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas lulan ng kulay cream na box-type Mitsubishi Lancer na may plakang NDJ -260  matapos maisagawa ang krimen.

Ayon pa sa pulisya, may matindi umanong galit ang mga suspek sa biktima at mabuti na lamang at hindi dinamay ng mga ito ang asawa at mga anak ng biktima.

Kasalukuyang isinasagawa ang malalim na imbesti­gasyon upang mabatid ang posibleng motibo ng pama­maslang. (Joy Cantos, Cristina Timbang at Ed Amoroso)

vuukle comment

ANABU

CRISTINA TIMBANG

ED AMOROSO

JOY CANTOS

MITSUBISHI LANCER

ROMMEL GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with