CAVITE — Nag-iiyak ang isang dalagang ina nang siya ay magising na mayroong katabing isang lalaki at kapwa sila walang saplot sa katawan matapos siyang makatulog sa sobrang kalasingan sa Noveleta, Cavite kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PSI Susan De Lara, hepe ng pulisya rito, ang biktima sa alyas na Rose, 18 at residente ng Barangay Pechayan Salcedo 2 ng bayang nabanggit.
Agad namang nadakip ng pulisya ang suspek na si Roderick Dena, 29, binata, factory worker at residente rin ng nasabing lugar.
Batay sa imbestigasyon ni P01 Glenda Llaneta, may hawak ng kaso, dakong alas-8:00 ng gabi nang magising ang biktima na parang pagod at masakit ang katawan at naramdamang may nakapatong na mabigat sa kanya.
Laking gulat na lamang nito ng mapag-alamang wala na siyang saplot sa katawan at katabi na niya si Dena na wala ring saplot.
Napag-alamang inaya umano ni Dena si Rose na makipag-inuman at nang pauwi na ang biktima dahil sa kalasingan ay sinundan siya ng suspek hanggang sa pagsamantalahan siya nito. (Cristina Timbang)